Chapter Ninety-nine Mirabella Anghel Buenve Nakuha kong sundan ang bata habang hinaharap ng mga tauhan ko si Top Userio. Nakita ko kung saan ito lumusot-lusot. Sinundan ko ito. Medyo nahirapan lang ako dahil sa liit nito ay kaya nitong isingit sa masisikip na daan ang sarili n'ya. "Kid, stop! Coby, hintayin mo ako." "No, sabi ni papa takbo raw ako." Tugon nang papalayong tinig na matuling tumakbo. Walang kapaguran ang bata. Inis na hinubad ko na ang suot na heels na ilang ulit nang sumabit kahahabol dito. Sinubukan ko pang bilisan ang takbo... pero sobrang bilis talaga nito. Nakatawid ito sa isang ilog. Iyong parteng dinaanan nito ay hanggang sakong lang naman ang tubig kaya naman madali lang nitong natakbo. Kaya humabol pa ako rito. Ilang ulit akong nadapa kaya naman narinig ko p

