Chapter 107 "Congratulations, newlyweds!" bati ng isang gwapong lalaki na lumapit sa amin. Nang mag-angat ako nang tingin ay pamilyar na mukha ang nakita ko. He's Theo. Kaibigan ni Colton na nakasama namin noon sa camping. Sa pagkakatanda ko rin ay may kasama itong babae noon. Si Happiness... nakita ko ang babae na papalapit. She's beautiful. Malawak ang ngiti nito. "Hello, Lucinda! Congratulations." Bumeso ito sa akin. Hindi ko akalain na makikita ko ulit ito. "Happiness, salamat at nakarating kayo." Nabanggit naman ni Colton sa akin na may mga kaibigan ito na iimbitahin. Hindi ko lang inasahan na makikita ko sila... I mean, ilang taon na rin kasi. "Thank you." Ngiting-ngiti na ani ko. Saktong lumapit si Coby. Binuhat ito ni Colton at ipinakilala kay Happiness at Theo. "He'

