Chapter 108 "Mom! Mom! Papatayin ko ang babaeng iyon!" parang sampung beses ko nang sinabi iyon pagkatapos kong ibato ang cellphone ko. Parang nasa tabi lang ng tenga ko ang tinig ni Lucinda. Naririnig ko ang ungol nito, kahit ang boses ni Colton. Lahat nang naririnig ko ay paulit-ulit na nanunuot sa tenga ko. Nakakabaliw. "Magkasama sila! Ako dapat iyon, mommy! Ako lang dapat!" luhaang ani ko. "Mahal n'yo ako, 'di ba? Sabi n'yo sa akin ay ibibigay n'yo ang gusto ko? Si Colton! Si Colton ang gusto ko!" Isang malakas na sampal mula sa aking ama ang nagpatigil sa pagwawala ka. Tulalang napasapo ako sa pisngi. Ramdam ko ang sakit, ang pamamanhid no'n. "Elton, bakit mo sinaktan ang anak natin?" agad itinulak ng aking ina si dad. Pero hindi man lang natinag sa kinatatayuan nito. "You're stu

