Chapter 109 Mirabella Anghel Buenve "Is it true na kidnapper ka?" takang tinignan ko ang kaibigan ko dahil sa tanong n'yang iyon. Kauupo ko pa lang ay binanatan na agad ako nito ng gano'ng tanong. Dalawa sa kaibigan ko ang bigla na lang nagyaya sa akin na magkita sa isang restaurant. Si Chlonette at Shorvey. Ngayon na nga lang nagkita tapos iyong pa ang bungad. "Seriously? Ang tatanda na natin ha, naniniwala pa kayo sa mga ganyang klaseng tsismis?" mataray na tanong ko. Inartehan pa ang paglagay ng bag sa table. "Well, may nakapagsabi lang sa amin kaya gusto naming kumpirmahin sa 'yo." Sagot ni Shorvey. "Mukha ba akong kidnapper?" sabay turo sa sarili ko. "No. I'm not." "Mabuti naman. May balita ka naman siguro na usap-usapan na ito ng mga nasa level natin." "At sino namang nagpak

