Chapter 102 "Coby, anong oras na?" tanong ko kay Coby. Umaambon na. Sa awa naman ay inabutan ko itong nakaupo sa isang bato at ngingisi-ngisi sa akin. Pagod na naupo ako sa tabi nito. "Zero-Six tapos tuldok-tuldok. At saka Zero-Eight." "Ano? Tingin nga. 06:08 am na. Balik na tayo roon, Coby. Mali na iyong dinaraanan natin." "Ayaw ko pa. Masaya nga ito, eh! Parang iyong napanood ko sa movie. Iyong mga batang nag-e-explore." Ngiting-ngiti na ani ng bata. "Hindi. Hindi tayo nag-e-explore. Kailangan na nating umuwi. Si mama mo ay tiyak kong iyak na ng iyak. Tara na." Yaya ko rito. "Okay." Sagot nito. Tumayo na ako't nagsimulang naglakad pabalik. Pero aksidenteng nadulas at bumagsak sa gilid. Sa madamong parte. Takang nakatitig ngayon si Coby sa akin habang nanunuot sa katawan ko a

