Chapter 103 "Ninong, salamat sa agarang paghahanda ng helicopter para sa amin ng anak ko." Ngiting-ngiti na ani ko sa kumpare ng aking ama. Ito ang tinawagan nito upang maihanda ang sasakyan namin ni Coby patungo sa Santa Dominga. Saglit kong iniwan si Coby sa van dahil inaantok pa ito. Tinungo ko lang ang gusali kung saan naghihintay si Ninong para kausapin ako. "Basta sabihin mo lang sa ama mo na papagsyal ako sa kanya." "Yes po. Sasabihin ko po sa kanya na maghanda siya sa pagdating mo." "Sige, hija! See you rin kapag nagawi ako sa Santa Dominga." Nag-shake handa pa kami nito. "Oh, siya! Mag-ingat kayo." "Opo, Ninong." Pagkatapos kong bumeso rito ay umalis na ako at binalikan si Coby sa van. Pero pagbukas ko ng pinto ay wala na roon ang bata. "Nasaan ang bata?" tili kong ani. Ang

