Chapter 104 "Mama, si Papa Top po?" tanong ni Coby sa akin habang binibihisan ko siya. Iniuwi muna namin siya rito sa Barrio Kameron. Pinaliguan at binihisan muna ito. Mamayang gabi ang biyahe namin patungo sa Santa Dominga. Iuuwi na kami ni Colton doon. Sa labas ngayon ay parang fiesta. Naroon ang mga kapitbahay na galak na galak na nahanap na si Coby. "Nasa ospital si Papa Top, anak ko." "Ha? Bakit po?" "H-indi siya nakatakbo sa mga bad guys. Kaya na ospital siya." "Bakit po?" ani nito. Ito na naman kami sa walang katapusang bakit. Pero handa pa rin akong sagutin ang mga bakit na iyon. "Sinaktan siya ng bad guys. Kaya 'di ba pinatakbo ka n'ya. Para hindi ka saktan ng bad guys." "Nahabol si Papa Top? Okay na po siya?" "Nagpapagaling na, 'nak. Inoperahan siya. Nilabanan n'

