Chapter 105 "Bakit tayo umalis? Bakit hindi mo binisita si Top?" naglalakad na kami palabas ng ospital at takang-taka si Colton kung bakit hindi kami tumuloy sa pagpasok sa silid ni Top. Hawak nito ang kamay ko, kaya siguro naman ay ramdam nito ang panlalamig no'n at bahagyang panginginig. "Lucinda, what's wrong?" "A-lis na muna tayo, Governor Andreras." Pakiusap ko. Pinipigilan kong maiyak lalo't narito na kami sa exit ng ospital. Iginiya na ako nito palabas ng ospital. "Usap tayo sa bahay." Nang makabalik kami sa sasakyan ay takang-taka na naman iyong mga naiwan doon dahil ang bilis namin. Pero tahimik lang ako. Inutusan na ang driver na pausarin na ang sasakyan kaya naman umalis na kami. Inilabas ko ang cellphone ko. Mabilis na tumipa roon habang nakasilip si Colton. "Top, hindi

