Sa araw-araw na lumilipas ay walang ginawa si Marcus kung hindi ang pasayahin si Selena. Madalas ay nakakaramdam siya ng guilt, gusto na niyang ipagtapat dito ang tunay niyang pagkatao, kaya lang ay natatakot siya na baka mag-iba na ang tingin ni Marcus sa kaniya. “Ako ba ang iniisip mo?” “Huh!” Nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Marcus sa harapan niya. Hindi niya naramdaman ang pagdating nito, ni hindi nga niya narinig nang bumukas ang pinto, masyado siyang abala sa pag-iisip. Iniisip niya kasi ang kaniyang ama. Sumuko na kaya ito sa paghahanap sa kaniya? Ang ganda ng pagkakangiti ni Marcus. Malaki na ang ipinagbago nito ngayon, mas madalas na itong nakangiti kaysa nakasimangot. “Para sa inyo ni Liam, pasalubong ko.” Itinaas nito ang bitbit na ice cream cake para makita niya at p