Gabi. Hindi mapakali si Selena, alas diyes na ay hindi pa umuuwi si Marcus, madalas naman bago mag-alas siyete ay nasa bahay na ito. Tulog na si Liam at hindi niya ito maiwan na mag-isa sa mansiyon. Lumabas siya ng silid nito, nakailang labas pasok na siya. Inaabangan niya ang pagdating ni Marcus. Naupo siya sa hagdan at doon naghintay, hindi siya nakatanggap ng tawag o text man lang mula rito, kaya hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Imposible namang nasa opisina pa ito ng mga oras na iyon kaya nabahala siya na baka may nangyari ng masama rito sa daan. Maya-maya ay nakarinig siya ng ugong ng sasakyan kaya naman agad siyang napatayo, nagmamadali siyang bumaba para salubungin si Marcus sa pinto. Hindi niya napigilan ang sarili kusa na lang gumalaw ang mga kamay niya at yumakap dito