Simula ng kumalat na ang balita tungkol sa relasyon ni Marcus kay Charlene ay lalong naging mataas na ang tingin nito sa sarili. Umaasta na ito na para bang isang boss. "Honey, ikaw naman ang pumunta sa bahay sa Sunday, isama mo si Liam para makapag-bonding naman sila ni Tyler. Palagi na lang kami ang pumapasyal sa inyo," sabi ni Charlene, pagdating nito ay imbes na sa kaniyang opisina dumiretso ay sa opisina agad ni Marcus ito tumuloy. "Titingnan ko pa ang schedule ko, kung available ako sa Sunday," walang ganang sagot ni Marcus. "I won't take no as an answer, honey. I-expect ko kayo sa Sunday." "Charlene, will you please stop calling me, honey? Hindi mo 'ko, honey. I want to clear things, wala tayong relasyon, okay? Magkaibigan lang tayo at hindi na lalagpas pa don ang relasyon natin