"That's my toy! Give it back to me!" sigaw ni Liam. Bigla kasing inagaw sa kaniya ni Tyler ang laruang sasakyan niya na nagta-transform at nagiging robot. Hindi siya pinakinggan ni Tyler, tumakbo ito bitbit ang laruan niya kaya hinabol niya ito at nakarating sila sa sala. Si Selena ng mga sandaling iyon ay tumutulong sa pagliligpit ng pinagkainan ng mga kanilang mga amo, katulong ang iba pang mga kasambahay ni Charlene. Ayaw siyang palapitin nito sa kaniyang alaga at hindi siya pinalalabas ng kusina. "Give it back to me, Tyler. It's not funny!" "Why do you like this toy so much when it's so cheap? My mom buys me lots of expensive toys from other countries. Your toy looks like a garbage. I think your dad doesn't love you because he doesn't buy you nice toys like my mom does." "It's n