Ilang araw na ang lumipas simula ng mangyari ang insidente na iyon kina Marcus at Selena. Nagkaroon na ng mataas na pader sa pagitan ng dalawa. Hangga't maari ay ginagawang dumistansiya ni Selena kay Marcus. Gaya ng sinabi nito ay inilagay niya ang sarili kung saan siya nararapat. "O, bakit ganiyan ka makatingin?" natigil siya sa pagsubo ng mapansin na nakatitig sa kaniya si Dina. Nasa quarters na sila, alas diyes ng gabi noon at nagkakayayaan ang mga kasambahay ni Marcus na magluto ng pancit canton at kumain habang naglalaro ng tong its. Tanging libangan at bonding na rin nila ang paglalaro ng baraha. May schedule lang naman, dalawang beses sa isang linggo at walang pustang pera, parusa lang sa mga matatalo. "Naiinis ako sa'yo, alam mo ba 'yon?" May paikot pa ng mga mata si Dina habang