Paulit-ulit na nakakabibinging tunog ang nagpagising kay Marcus. Kahit ayaw pa niyang bumangon ay napilitan siyang tumayo para hanapin ang kaniyang cellphone dahil doon nanggagaling ang tunog. Sinundan niya iyon at dinala siya sa banyo, nakabukas ang pinto pati na ang ilaw nito kaya naman umabot ang tunog nito hanggang sa kaniyang higaan. Nangunot ang noo niya, nagtatanong ang isip niya kung bakit napunta ang cellphone niya sa bathtub?Agad niyang dinampot iyon at nakita niya ang maraming missed calls na galing kay John. Hindi niya alam kung ano ang dahilan kung bakit tawag ito nang tawag kaya naman binalikan niya ito ng tawag. "John, what's the problem? Inistorbo mo ang tulog ko alam mo ba 'yon?" may halong iritasyon na sabi niya. "Sir, pasensiya na, pero kailangan ka rito. Hindi ka dum