"Si-Sir, hindi tama ito!" itinulak ni Selena si Marcus nang tangkain nitong ilapit ang mukha nito sa mukha niya at halikan siya. Waring nahimasmasan naman si Marcus, siya man ay nabigla rin, hindi niya akalain na magagawa niya iyon. Naakit siya sa basa at mapupulang mga labi ni Selena na para bang gusto niyang lasapin kung gaano ito kalambot. Ipinilig niya ang ulo. "I'm sorry!" tanging nasabi niya at mabilis na lumayo sa dalaga, hindi niya alam kung anong tamang sabihin kay Selena para mapagtakpan ang kapanghasan na ginawa niya. "Tapos na akong maligo. Umahon ka na rin, huwag ka nang magtagal, malalim na ang gabi, delikado na ang mag-isa." Walang lingon likod na umahon siya sa pool. Kinuha niya ang tuwalya niya na isinabit sa sandalan ng upuan, pinunasan ang buong katawan para matuyo at