Gabi, maalinsangan ang panahon. Hindi makatulog si Selena, ang batang si Liam sa kabilang kama ay mahimbing na ang tulog. Alas onse ng gabi ng sipatin niya ang oras sa orasan. Sumilip siya sa bintana, tahimik at payapa ang dagat, madilim at walang katao-tao sa paligid, ipinagbabawal na ang maligo sa dagat kapag gabi. Nabaling ang tingin niya sa gawing kaliwa, natanaw niya ang mga swimming pool, nagliliwanag iyon dahil sa ilaw na nanggaling sa mga poste. Parang inaakit siya ng tubig, hindi siya nakaligo kanina dahil mas inuna niya ang pagbabantay sa kaniyang alaga. Tulog na si Liam, wala naman sigurong masama kung lalabas muna siya sandali para mag-relax at maligo sa pool. Mula sa kaniyang mga damit na nasa hindi kalakihang bag ay kinuha niya ang 2 piece red swimsuit na ibinigay sa kaniya