Araw ng Linggo, abala si Selena sa paglilinis ng kaniyang silid. Katatapos lang niyang i-vacuum ang sahig at ngayon naman ay nagpapalit siya ng mga sapin sa higaan. Ang mga bagay na iyon ay hindi na niya inaasa pa sa kanilang kasambahay, kahit pa iba na ang katayuan niya ngayon sa mansiyon. Natigil siya sa ginagawa ng mag-ring ang kaniyang cellphone na nakapatong sa side table ng kama. Patamad niyang inabot iyon. Isang tawag galing sa kanilang mayordoma. "O, Aling Paulina, bakit napatawag po kayo?" agad na tanong niya. "Selena, pasensiya na sa istorbo pero kailangan mong umuwi ngayon din," tugon ng ginang. Biglang kinabahan si Selena, hindi pa man ay may pakiramdam na siyang masamang balita ang sasabihin ng kanilang mayordoma. Sa tono ng boses nito na tila ba may pag-aalala. "Ba-baki