"Daddy, are you here to pick us up? Are we going somewhere?" Mga kalabit mula sa anak na si Liam ang nagpagising sa diwa ni Marcus. Kanina pa siya nakatitig kay Selena, may gusto sana siyang sabihin dito ngunit hindi niya magawa. Inalis niya ang tingin kaniyang asawa at binalingan ang anak. "Yes, we're going out for lunch today. I'll treat you and your Mommy Selena, to a nice meal," sagot niya sa tanong nito. Sumilay ang ngiti sa labi ng bata. "Oh, great! Did you hear that, Selena? Daddy, you, and I are going to have lunch at a fine dining restaurant," excited na wika ng bata. "How about a five-star hotel, Daddy? I'd really love that!" bulalas pa ni Liam. Napamulagat si Selena sa sinabi nito. "Naku, Liam, tigilan mo 'yan! Kahit saan na lang, bakit gusto mo pa sa five star hotel? Mas