Biglang nabaling ang atensiyon ni Selena sa kaniyang cellphone ng tumunog ito, agad niyang kinuha iyon na nasa hindi naman kalayuan. Binukasan niya at tiningnan, isang notification galing sa bangko, nakasaad doon na may pumasok na pera sa bank account niya galing kay Marcus. Iyon ang monthly allowance na pangako nito sa kaniya. Personal na pera iyon, sustento sa kaniya ni Marcus bilang asawa. Malaking halaga, pwede niyang gawin ang kahit na ano sa perang iyon, mag-shopping, mamasyal, magpaganda at kung ano-ano pa na maisipan niya. Kung ibang babae pa iyon ay siguradong abot langit ang ngiti na makita ang 7 digits number na pumasok sa bank account nila, pero hindi si Selena. Wala sa kaniya ang pera, ang gusto niyang makuha ay ang atensiyon at pagmamahal ng kaniyang asawa. Bumuntong hining