Tuluyan nang hindi nakakilos si Selena nang gumalaw ang mga labi ni Marcus. Hindi niya alam kung tutugunin ba niya ang halik nito, napapikit na lamang siya at dinama ang malambot at mainit na labi na kaniyang asawa. Nalulunod na siya sa matinding sensasyon, kahit anong pigil niya sa sarili na manatiling kalmado ay tila ba hindi siya mapakali, gustong-gusto na ng katawan niya na tumugon sa mga halik ni Marcus. Nang tangkain niyang ibuka ang kaniyang bibig ay saka naman biglang tumigil ito sa paghalik sa kaniya. Bumitiw ang labi nito at naiwan siya sa nakakahiyang posisyon. Nakaawang ang bibig niya at nakapikit pa ang mga mata niya. Napadilat siya, pinamulahan siya ng pisngi sa labis na kahihiyan, titig na titig sa kaniya ang kaniyang asawa. Gusto niyang bawiin ang mga tingin dito at yumu