“Blaag!” Isang malakas na galabog ang nagpasindak sa lahat. “Simon!” Malakas na sigaw ni Selena. “Si-Sir!” Nabiglang bulalas ni Dina. Bumagsak sa semento si Simon, matapos siyang salibungin ng isang malakas na suntok ni Marcus. Hindi inaasahan ng binata na gagawin iyon sa kaniya ng kapatid. Alas dos ng hapon iyon, kadarating lang nila mula sa pamamasyal sa Tagaytay. Nang gabi ng party ay umalis sila at nagpunta sa lugar na iyon para makalanghap ng sariwang hangin, hindi na sila nakauwi dahil hindi nila namalayan ang oras. Masyado nang gabi at delikado na ang bumiyahe kaya naman, humanap na lamang sila ng mapagpapalipasan ng gabi, maraming hotel sa lugar na iyon. Kinabukasan ay hindi muna sila agad umuwi dahil gusto pang mamasyal ni Selena. Hindi pa kasi niya nakikita ang ganda ng lugar