Chapter 91

1657 Words

“Ano ba’ng ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako!” Pilit na nagpupumiglas si Selena sa mahigpit na pagkakahawak ni Marcus sa kaniyang braso, hinihila siya nito palayo sa bulwagan. Lumabas sila at naglakad hanggang makarating sa terrace ng hotel. Walang tao roon maliban sa kanila, saka lang siya binitiwan nito nang mapag-isa na sila. Nagdudugtong ang makapal na kilay ni Marcus, kunot ang noo at masama ang tingin sa kaniya. Hindi ito umiimik na nakatitig lamang sa kaniya. Nakaramdam siya ng pagkailang ngunit hindi niya ipinahalata rito. Taas noong hinarap niya ito. “Ano ba’ng problema mo? Bakit dinala mo ako rito?” inis na tanong niya. “Gusto ko lang ipaaalala sa’yo na may asawa kang tao. Bakit sumama ka sa kapatid ko? Bakit pumayag ka na maging date niya sa party na ito ngayong gabi? Talaga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD