Nang makahinto sa tapat ng opisina ni Marcus ay agad na kumatok si Selena. "Come in," sabi nang baritonong boses na nasa loob. Huminga muna siya ng malalim bago pinihit ang pinto. Pagbukas niyon ay bumungad sa kaniya si Marcus, nasa working table niya ito, tamambak ang mga folder sa ibabaw ng lamesa nito. "Sir, ito na po 'yung pinadadala ninyo." Agad siyang lumapit dito at inabot ang folder na hawak niya. Nakatingin sa kaniya si Marcus habang inaabot niya rito ang envelop. Bigla siyang na-conscious kaya umiwas siya ng tingin. Binawi na rin ni Marcus ang tingin sa kaniya at sinilip ang laman ng folder. "Okay, ito nga ang kailangan ko. Thank you!" sabi nito. "May iuutos pa po ba kayo, Sir? Kung wala na po ay aalis na po ako. Uuwi na po ako." Sabay silang napalingon sa binatana ng gum