Nasa mall sina Selena at Liam. Pagkatapos ng klase ay dumiretso sila roon para bumili ng mga school supplies ng huli. "Pay for this," ani nang bata. Inilapag nito sa counter ang bitbit nitong makapal na libro. "Huh! Ano'ng gagawin mo sa libro na 'yan?" takang tanong ni Selena. "I will going to read it, what else? Come on pay for it," pangungulit ni Liam. "Babasahin mo 'yan? Naku, masyado ka pang bata para maintindihan 'yan. Ibalik mo 'yan kung saan mo kinuha. Pumili ka ng libro na bagay lang sa edad mo." Ang libro kasing gusto nitong bilhin ay tungkol sa paternal love at self discovery na talaga namang mahirap pang arukin ng isip ng isang bata. "But I like it, Selena. Just pay for it now, and I'll save it to read when I'm older," pangungulit nito. "Liam, 'di ba sabi ko sa'yo, hindi