"Ihanda mo ang mga gamit ni Liam, aalis tayo." Napakislot si Selena, habang nagtitimpla kasi siya ng gatas ni Liam sa kusina ay biglang sumulpot sa kaniyang harapan si Marcus. "Ba-bakit po, Sir, saan tayo pupunta?" tanong niya. "You ask me to have time for my son, remember? Hindi ako busy ngayon kaya may oras na ako para sa kaniya. Pupunta tayo sa beach resort namin sa Batangas, 2 days tayo do'n kaya magdala ka ng mga damit niya at iba pang pangangailangan. Ihanda mo na rin ang mga gamit mo, after one hour ay aalis na tayo." Pagkasabi niyon ay basta na lamang siya nitong iniwan. Nakakabigla ang sinabing iyon ni Marcus, ura-urada ay inutusan siya nito, hindi siya handa, hindi naman kasi niya inaasahan iyon. Dahil isang oras lang ang binigay sa kaniya nito ay mabilis ang mga naging kilo