Nang makarating sa San Martin ay nag-check in muna sa hotel sina Marcus at John. Hindi alam ni Marcus kung ano ang mangyayari sa lakad nilang iyon, ngunit gusto niyang makasigurado kung ang tinutukoy ng mga imbestigador na Marcelina at ang babaeng nakasama niya sa bar ng gabing iyon ay iisa. Kilala sa bayan ang pamilya Lagdameo, madali lang malaman kung saan ang bahay ng mga ito, ngunit hindi agad nagpunta si Marcus sa bahay ni Marcelina, inutusan muna niya si John na makibalita tungkol sa buhay nito at pinagmulang pamilya. Matapos nilang mag-check in sa hotel ay umalis na rin agad si John para makakalap ng balita at impormasyon tungkol kay Marcelina. Makalipas ang mahigit isang oras ay nagkita sila ni Marcus sa restaurant ng hotel para mananghalian. "Ano ang mga nakalap mong impormasyo