Pagpasok pa lang sa loob ng plaza ay inilibot na ni Marcus ang mga mata sa paligid, hinahanap niya si Marcelina sa mga taong naroon. Ang babaeng blonde ang buhok, mapula ang mga labi, may mahahabang mga pilik at may nunal sa kaliwang bahagi ng pisngi. Ngunit, hindi niya makita ang babaeng hinahanap sa mga taong naroon, hanggang sa maagaw ang atensiyon niya ng may biglang nagsalita sa microphone. "Sa ngalan ng mga mamayan ng San Martin, kami po ay taos pusong nagpapasalamat kay Mrs.Minerva Sandoval sa pagpili na i-celebrate ang kaniyang kaarawan kasama ang kaniyang mga kababayan. Gayun din po ay nagpapasalamat din kami sa kaniyang pamilya, sa kaniyang asawa na si Mr. Arnulfo Sandoval, sa anak niyang si Sir Hugo at sa mapapangasawa nitong si Ma'am Selena. Malaking tulong po ang mga ipinamah