"Dad, bakit hinayaan mo na basta na lang makaalis ang lalake na 'yon na kasama si Selena? Nakita mo ba kung paano ako pinagtawanan ng mga tao sa plaza? Hindi ko mapapatawad si Selena sa ginawa niyang pagpapahiya sa akin. Nagpakasal siya sa iba just to get rid of me!" himutok ni Hugo, pabagsak itong umupo sa mahabang sofa. Nakauwi na sila sa kanilang bahay. "Tama ang anak mo, Arnulfo. Bakit hinayaan mo na lang ang lalaking iyon na kunin si Selena sa atin? Ikaw naman kasi, ipinipilit mo sa anak mo ang malanding babaeng iyon, napakarami namang mas maganda, matalino at mas mayaman sa babaeng iyon na pwedeng ipakasal sa anak natin, ang anak pa ni Ricardo ang napili mo!" inis na sabi ni Minerva. Hindi umimik si Arnulfo. Kahit siya man ay hindi matanggap ang nangyari. Dahil sa naganap ay mukhan