Chapter 74

1658 Words

Pagdating na pagdating sa mansiyon ay dumiretso agad sa kusina si Dina. "Olga, nakita mo ba si Selena?" agad na tanong niya sa kanilang kusinera. "Aba hindi, bakit sa akin mo hinahanap 'di ba kayo ang magkasama? Nasaan na ang mga pinabibili ko sa inyo? Bakit wala kang dala? Kanina pa kayo umalis, tatlong oras kayong nawala tapos wala kang bitbit na pinamili. Ano naglakwatsa lang kayong dalawa noh? Isusumbong ko kayo kay Sir Marcus." Nakapamewang pa si Olga habang sinisermunan si Dina. "Teka nga, Olga. Pwede ba tumigil ka sa kadadaldal mo d'yan! Hinahanap ko si Selena, hindi pa ba siya dumarating?" Napakamot ng ulo si Olga. "Eh bakit nga ako ang tinatanong mo, dapat nga ikaw ang tinatanong ko niyan, nasaan na si Selena, bakit hindi mo kasamang umuwi? Ano ba ang nangyari?" Nanghihinang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD