Makalipas ang isang oras ay dumating na si Marcus, galing ito ng presinto, hindi na nito kasama si John sa kaniyang pagbalik. Pinauwi na niya ito para makapagpahinga. Kanina pa siya hinihintay ni Dina, kaya naman nang marinig nito ang sasakyan niya na papasok sa garahe, sa labas pa lang ng pinto ay sinalubong na siya nito. "Sir, mabuti naman at dumating ka na," ani Dina. "Na-report na namin sa police station na malapit sa palengke ang nangyari kay Selena, inuumpisahan na nila ang imbestigasyon," pahayag naman ni Marcus. Kahit hindi nagtatanong ng update si Dina ay ipinaalam niya rito ang naging resulta ng lakad nila ni John. "Sir, may importante akong sasabihin sa'yo." Nag-aalangan si Dina. "Ano 'yon?" mabilis na tanong niya. "Sir, hindi na-kidnap si Selena. Tumawag siya kanina. May