Ang bigat ng katawan ni Selena, parang ayaw na niyang kumilos. Kung pwede nga lang na patigilin niya ang oras ay gagawin niya para hindi na sila matuloy na bumalik sa San Martin. "Are you ready?" tanong ng kaniyang ama sa kaniya. Marahan lamang siyang tumango. "Let's go!" Pinauna siyang maglakad ng kaniyang ama palabas sa kanilang hotel room. Kasunod ang mga tauhan nito na bitbit ang kanilang mga gamit. Wala naman na siyang balak na tumakas, tanggap na niya sa sarili niya na ito ang kapalaran niya. Naninikip ang dibdib niya habang unti-unti nang lumilipad sa ere ang chopper na maghahatid sa kanila hanggang sa San Martin, sinundo sila nito sa roof top ng hotel. Ilang oras lang ang lumipas ay makikita nang nakaabang sa baba ng helipad ang si Arnulfo at ang mga tauhan nito. "Mabuti