Kinabukasan ay nag-aya si Liam na mamasyal at hindi naman ito hinindian ni Marcus. Pumunta sila sa lugar kung saan mag-e-enjoy ang bata. Sa isang theme park dinala ni Marcus ang anak, maraming rides at mga palaruan ang naroon, kaya naman tuwang-tuwa ito. Habang abala sa paglalaro si Liam kasama ng iba pang mga bata ay sinamantala naman ni Marcus na masolo si Selena. Nakaupo ang dalaga at nakatanaw sa kaniyang alaga nang biglang sumulpot sa harapan niya si Marcus. Inabot nito sa kaniya ang tatlong tangkay ng pulang mga rosas na pinitas nito sa park. "Flowers for my beautiful girl," nakangiting sabi nito. "Huh! Saan mo nakuha ang mga bulaklak na 'yan?" gulat na tanong ni Selena. Alanganing tinanggap niya ang ibinibigay ni Marus. "Dun," tugon nito na ang ginawang panturo ay ang kaniyang n