Chapter 28 3rd Person's POV Kahit anong gawin ni Fider hindi niya pa din maiwasan hindi maapektuhan sa presensya ng ama niya. Puno ng galit at pagkamuhi ang puso niya dahil sa ama niya. Nandidiri siya sa sarili niya. Tumungo si Fider sa masukal na lugar may kalayuan sa resort. Mapuno doon at malayo sa mga tao. Malakas niya na sinuntok ang puno at hindi niya iyon tinigilan. Ang mama niya ginawa lahat para mabuhay siya. Nagtrabaho sa ibang lugar para makapag-aral siya hanggang sa magkasakit na lang ito at mamatay habang iyong ama niya nagagawa pang tumawa na parang walang nangyari. Pinagsusuntok ni Fider ang puno. Nandidiri siya sa sarili niya dahil nanalaytay sa katawan niya ang dugo ng walanghiya at baboy niyang ama. Isa-isang pumasok sa isip niya iyong mukha ng ama niya, iyong a