Chapter 29 3rd Person's POV Inutusan ni Jackson sina Paris na gamutin sina Destiny. Inaya ni Paris sina Destiny na ngayon ay nakatingin kay Fider na nakatayo at nasa harap si Jackson. Dinala nina Paris sina Destiny sa loob ng cottage at tinanong kung anong nangyari. Sinabi nina Destiny ang nangyari sa restaurant. "Kami may kasalanan dahil sinundan namin si Fider kahit malinaw na sinabi niya na huwag namin siya sundan," ani ni Destiny na kaharap si Paige at nilalagyan ng cream iyong pasa ni Destiny. "Bata pa si Fider— kung ganoon ang nagiging reaksyon ni Fider kapag nakikita niya ang ama niya siguradong maraming masamang karanasan si Fider sa ama niya," ani ni Paige na nakaupo sa pang-isahan na sofa at nakahalumbaba. "Alam namin. Sinabi sa amin lahat ni Fider kaya nga sinundan nam