NAKITA naming alas-otso naʼng gabi kaya balak naming umalis na sa kasiyahan ngayon sa aming graduation nina Rain, Asta, Chloe and Xavier. Nandito kami sa restaurant ng mga Gilmore, pinasara ni Lolo Ray ang main branch nila para sa amin. “Mallows, we need to go. Eight in the evening na, mag-iimpake pa tayo,” bulong sa akin ni daddy Rey kaya napatingin ako sa kanya. Tumango ako sa kanya at tumayo sa kinauupuan ko. “Best, saan ka pupunta? Aalis na kayo ni kuya?” pagtatanong ni Rain sa akin. Tumango ako sa kanya. “Eight in the evening na. Mag-iimpake pa ako,” sabi ko sa kanya. Nakita ko ang paghaba ng kanyang labi dahil sa sinabi ko. “Dadamihan ko ang pasalubong pag-uwi namin and two days lang naman kami roon, Rain.” Hindi rin namin inaasahan na may tour kami sa Singapore. Kanina lang b