NANG matapos mag-usap about sa wedding namin ni daddy Rey, kinausap naman ako ni kuya Adam at si daddy Rey. “Anong ipapakita mo sa amin, kuya Adam?” takang tanong ko sa kanya. Pinapunta niya kami sa room niya. Si Rain naman ay tulog na sa guest room, sabi niya magpapahinga lamang siya saglit, pero nakatulog na pala. “May nasagap na ako sa CCTV na nilagay natin sa headquarters, Mallo.” May ginalaw siya sa kanyang laptop. “Here, siya ang babaeng spy ni Via,” sabi ni kuya Adam sa akin at tinuro iyon. Nakita ko ang oras sa CCTV, alas-dos naʼng madaling araw. Tahimik ang buong paligid sa headquarters hanggang makita naming may bumangon sa isang room. Lumabas siya sa room niya at inaakala kong mag-si-cr siya or iinom ng tubig, pero binuksan niya ang pinto sa likod ng headquarters at doon ay n