NAKARATING kami sa tapat ng hospital room ni daddy Rey. Kumatok si Rain at pumasok na kami, nakita ko roon ang tinutukoy ni Rain na si Chef Rainer. Nakita ko ang gulat niya nang mapatingin siya sa akin. “Oh, gising ka na agad, Miss Mallory! Ang bilis mong nagising! Pero, hetong fiancé mo tulog pa rin!” sabi niya sa akin at tinuro si daddy Rey. “Kuya Rainer, tama ng bala sa dibdib ang nakuha ni kuya, si best friend sa binti pero mas matibay ang best friend ko kaysa kay kuya. Ang daming sugat ni best friend, pero siya isa lamang. Weak ang kuya ko.” Napangiwi ako sa sinabi ni Rain. Akala ko ipagtatanggol niya si daddy Rey. “Totoo ang sinabi mo, Rain. Weak ang kuya mo! Iyong tinamaan ako ng bala sa dibdib ko, hindi ako nahimatay! Gising na gising ako hanggang dumating ako sa hospital!” pag