PAGKAUWI ko galing sa labas ay pinuntahan ko agad si kuya Adam sa room niya. Kailangan kong sabihin ito bago ko makalimutan pa muli. “Kuya Adam!” malakas kong tawag sa pangalan niya nang makapasok ako. Nakita ko siyang nakatingin sa kanyang laptop, maging dito sa room niya ay nagta-trabaho pa rin siya? May binubuhay na ba siyang pamilya? Bakit ang sipag niya? “Welcome home, Mallo. Anong need mo?” tanong niya sa akin pero ang tingin ay nasa screen ng laptop niya. “May naalala ako, kuya Adam... Noong na-ambush kami ni Rain,” sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagtingin niya sa akin at binaba ang laptop niya. “Anong naalala mo nang araw na iyon, Mallo? Teka, tawagan natin si Rey. May sasabihin din daw siya sa atin,” sabi niya at muling binuksan ang laptop. Pagkatapos niyang isarado, bi