NAKATANGGAP ako ng unknown message. Nangunot ang noo ko nang mabasa si Rey ito. Unknown number: Baby, punta ka sa Gilmore restaurant sa may Tomas Morato. Letʼs have a date. 11AM sa mismong parking lot ng Gilmore Restaurant, okay? I love you. Si Rey ito, baby. Napangiti ako sa text message niyang iyon, pero biglang sumakit ang aking dibdib. Hindi ko alam pero kahina-hinala ang text message na ito. Hindi ko na lamang pinansin ang text at tumayo na ako para pumunta sa room ko. Need kong magpalit ng damit, malapit na mag-eleven ng umaga. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko si daddy Rey ngayon. Sinuot ko na ang damit na kinuha ko. Inayos ko ang aking buhok at naglagay ng light makeup sa aking mukha. Nang makitang maayos na ako ay saka na ako lumabas dala ang aking white hand bag. “A