REY POV NAKAHARAP ako ngayon sa mirror at inaayos ang buhok ko. “Today is our monthsarry.” nakangising sabi ko habang patuloy na nag-aayos. Ida-date ko siya ngayong araw. Kailangan ko siyang pasayahin dahil alam ko sa nakalipas na araw ay sobrang stress siya dahil sa kare-review niya for LET and isama pang hindi pa rin namin naipapakulong ang mga hudas na iyon. Kaya ngayong araw ay pasasayahin ko talaga siya. Napangiti ako nang makitang maayos na ang aking porma. Lumabas na rin ako sa room ko rito sa headquarters ng Zenger. “Wow! Plakadong-plakado ang pormahan natin ngayon, ha, Rey? Saan ang punta?” nakangising sabi ni Rainer sa akin at tinignan pa niya ako hanggang sa aking likod. Sa dami nang makakasalubong ko, siya pa talaga. Kapag nga naman minamalas ako. “Alis, Rainer! Huwag