NANUNUYO na ang aking labi. Pagod na ako kakatayo ko at maging ang magkabilang pulsuhan ko ay nangangawit na rin. Ilang oras na ba ang nakakalipas? Nasaan ka na ba, daddy Rey? Please, help us! Sumasakit na rin ang sugat sa likod ng aking binti. Nararamdaman kong may tumutulong dugo sa aking binti kahit hindi ko nakikita ngayon. Sobrang sakit na tipong nanunuyot sa aking kalamnan. “Hindi ka pʼwedeng pumikit!” malakas na sabi ng lalaking nakabantay sa akin ngayon, kasabay nuʼn ay pagsaboy ng tubig sa mukha ko. Ang lamig. Napapikit ako nang tumama ang tubig sa mga sugat na mayroʼn ako, maging ang aking pisngi ay dama kong namumula at may sugat na rin dahil sa pagsampal ni Via sa akin nang paulit-ulit. “Ang ganda ng katawan mo? Sayang naman kung hindi ka magagalaw. Paniguradong hin