NATAPOS na rin kaming kumain ng breakfast na hindi umaalis at nilulubayan ni Via si kuya Rey. Siya na lang ang madaldal sa table namin kanina. Umay na nga kami sa kanyang kadadaldal kahit walang kʼwenta ang sinasabi niya. “Tignan mo, best, hindi pa rin siya nakaramdam, ano? Ayaw na nga siyang kausapin ni kuya Rey ngayon, hindi man lang lumayo-layo,” inis na sabi ni Rain sa akin, kami ang magkasamang naglalakad ngayon papunta sa pampang. “Whatʼs our doing day? Anong sasakyan natin?” Naririnig namin sa pʼwesto namin ang malakas na boses ni Via, mukhang nilalakasan talaga niya. “Hindi namin alam kung anong unang sasakyan namin, Via, sila Rain ang bahala.” Napatingin sa amin si kuya Rey at nakita ko ang pagngiti niya sa akin. “Parasailing muna tayo ngayon, kuya Rey, habang hindi pa sika