BINITAWAN ko na ang kamay ni kuya Rey nang hindi pa rin tumitigil ang kabog ng aking dibdib ngayon. Dama ko talagang lalabas na ang aking puso kapag patuloy ko pa ring hawak ang kamay niya. “Best friend, bakit hindi mo kami ginising ni ate Kira, ha!” malakas na sabi ni Rain nang makalapit siya sa akin. Hindi pa rin tumitigil. Huminga akong malalim para maging mapayapa na ang t***k ng puso ko. “Hey, best friend, are you okay? Tulala ka yata?” Hinawakan ni Rain ang aking braso kaya roon ako nahimasmasan. “Ha? May sinasabi ka ba, Rain?” tanong ko sa kanya habang naglalakad pa rin kaming dalawa. “Sabi ko, kung ayos ka lang ba? Tulala ka dʼyan, eh. May nangyari ba sa iyo?” Umiling ako sa kanya. “W-wala naman, Rain. May iniisip lang ako,” sagot ko sa kanya at napatingin ako sa aking liko