SABADO, heto na ang araw ng party na gaganapin para sa pagbabalik ng aking alaala. Hindi na nga necessary na gawin ito kaya lang ay gusto nila mom, kaya hinayaan ko na lamang sila. Proud lang siguro silang bumalik na ang aking alaala. “Good morning po, Miss Mallory!” Nagulat ako nang makita ko si ate Gab na nasa tapat ng pinto ko, nagwawalis siya. “Magandang umaga rin po, ate Gab. Sobrang energetic niyo po today!” nakangiting sabi ko sa kanya at ni-lock ang aking pinto. Wala akong pinagkakatiwalaan ngayon, maging si ate Kira. Hanggang hindi nahuhuli ang nasa likod ng mga nangyayari sa akin ay magiging alert ako, lalo naʼt may idea akong isa sa mga kasambahay namin ay kinakausap nila. “Opo, lalo naʼt party niyo po mamaya. Nasa dining hall na po sila maʼam Melissa kayo na lang po ang