THIRD POV LAHAT ay nagsasaya nang bumalik ang alaala ni Mallory simula nang ma-aksidente siya, pero may iilang tao na hindi natutuwa na bumalik ang kanyang alaala. “What do you want?” galit na sabi ng isang tao habang nakatingin sa babaeng nakatayo ngayon sa kanyang harapan. “B-bumalik na ang alaala niya. Lahat sila ay nagsasaya nang makabalik ang alaala niya. Narinig ko ay lahat-lahat ay muling nanumbalik sa kanya from the start of the day ng debut niya.” Tumayo ang kinakausap ng babae at winasiwas niya ang mga papel na nasa table. “f**k! So, she know kung sino ang nasa likod ng pagsagasa sa kanya?” nakangising wika nito sa babaeng nasa harap niya ngayon. “Ganoʼn na nga. Pero, wala akong narinig kung maging iyon ay naalala na rin ni—” “Boba! Paniguradong maging iyon ay alam na niya!