FIRST day of September na. Malapit na kaming mag-second semester at ang hinihintay ng lahat ng mga fourth year education student ang pagiging Studen-Teacher namin sa mga school na a-apply-an namin. Balak namin mag-apply sa Prince Academy, malapit lang din kasi iyon dito sa Maravilla University. Bumaba na ako sa parking, hindi si kuya Sid ang naghatid sa akin ngayon sa campus, si kuya Adam. “Mallo, si kuya Sid ang magsusundo sa iyo mamaya. Mala-late kami ng uwi nina dad, mom and Lolo dahil may meeting kami mamayang alas-kʼwatro ng hapon dahil sa TechCash. Kumain nang marami mamaya, sasabihan ko si Asher tungkol sa dinner niyo mamaya,” bilin niya sa akin. I rolled my eyes to him. “Kuya Adam, hindi na po ako bata para pabantayan mo ko kay Asher. At saka, hindi naman po ako nagpapagutom! N