MAGANDA ang umaga ko dahil sa magandang panaginip ko. Sa panaginip ko kasi ay kasama ko sina kuya Adam, Rain, Asher, Asta, Chloe, Xavier, sila at sila tita Richelle, sobrang saya naming lahat na nag-swi-swimming, pero may isa lang akong napansin, may isang lalaking akong nakausap. Ang weird nga dahil kahit hindi ko siya kilala ay kinakausap ko pa rin siya. Hindi ko rin nakikita ang mukha niya dahil madilim sa part niya, hindi rin naman ako natakot dahil mukha namang hindi siya masamang tao. Sobrang friendly rin niya sa akin and sobrang gaan ng aking pakiramdam sa kanya habang magkausap kaming dalawa. Ang weird, ʼdi ba? Sino kaya iyong lalaking iyon? “Good morning po, Miss Mallory! Ang laki po ng ngiti niyo,” nakangiting bati ni ate Kira sa akin nang makita niya ako. “Good morning din p