MABILIS ang aking paglalakad papunta sa building ng education. Ten minutes na lang before the bell. Ayokong mahuli sa class ko. Nakarating na ako sa building namin at umakyat na ako sa third floor kung nasaan ang classroom namin. “Nandito siya, Asta. Hindi pala siya umalis dito sa Pinas.” Napahinto ako nang makita ko si Rain na kausap niya ngayon si Asta. Nasa kabilang building ang College of Business kaya bakit nandito ang isang ito? “Siya? Baka naman kamukha niya lang?” Nangunot ang noo ko nang marinig ang usapan nila kahit nasa malayo pa ako. “Siya talaga, Asta. Nakita ko siya kanina sa parking... Kahit naka-mask siya ay kilala ko siya, Asta. Kaya hindi ako pʼwedeng magkamaling hindi siya iyon.” Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila ngayon. Sino bang siya ang tinutukoy nil