"ARAY! ANO BA, Hazel? Tigilan mo na nga ako!" sigaw ni Faith habang nagpupumiglas sa pagkakasabunot nito. Binitawan nga siya nito— pagalit hanggang sa dumating ang puntong nauntog na ang ulo niya sa salamin ng pinto. Kahit ganoon, inayos pa rin niya ang gulo-gulong buhok na sinabunutan ni Hazel. Parang bruha siya. Sumiksik pa siya sa dulo ng kinauupuan dahil sa tindi ng takot niya ngayon. Iyong mukha ni Hazel, hindi maipinta ang galit doon. Halos manlisik ang mga mata niya ng mga sandaling iyon. Sunod-sunod siyang napalunok at parang hindi na siya makakapagsalita kailanman. "Hindi mo ako maiisahan, Faith!" nakangising wika ni Hazel. "Please lang naman, o. Hayaan mo na ako kay Calvin. Mahal ko talaga siya. Isa pa, b-buntis ako..." imporma niya saka sinapo ang kaniyang tiyan. "What? Are