GULAT NA NAPAMULAT si Faith nang biglang may sumampal sa pisngi niya. At mula sa harapan niya, nakatayo roon ang isang babae— si Hazel. "H-Hazel..." "Oh, hi, Faith! Did you miss me?" nakangisi nitong tanong saka padaskol na binitawan ang buhok niyang kasalukuyang hawak nito. "N-Nasaan ako? Nasaan ako, Hazel?" nahintatakutan niyang tanong saka pinagmasdan ang kaniyang kapaligiran. Nasa loob siya ng isang maliit na kuwarto at ngayon lamang niya napagtanto na may kadena ang mga kamay at paa niya kaya naman hindi siya makakawala kahit anong gawin niya. Bumaling siya kay Hazel. "Gusto ko nang umuwi, Hazel! Hayaan mo na akong makaalis!" Napaluha na lang siya dahil sa tindi ng takot na nararamdaman ng mga sandaling iyon. Animo'y katapusan na niya. Pinagkrus ni Hazel ang mga braso sa harap ng